^

PSN Opinyon

Pinatahimik ang unos

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG ikaw ay pasahero ng isang eroplano, nagbababala ang piloto sa mga pasahero tungkol sa parating na unos sa himpapawid. Dapat isuot ng mga pasahero ang kanilang seatbelt at manatiling nakaupo at iwasan ang paggala sa loob ng eroplano.

Kahalintulad nito ang nangyari sa mga alagad. Datapwat wala sila sa himpapawid. Sila’y nasa Dagat ng Galilea. Hinampas ang kanilang bangka nang malalakas na hangin at alon. Basahin ang Mark 6:45-52.

Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi.

Nasa laot na noon ang bangka, samantalang si Jesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa tubig, kaya napasigaw sila.

Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi, "Huwag kayong matakot, si Jesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!"

Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila nauunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa abot ito ng kanilang isip.


Para sa mga Judio, ang nagagalit na dagat ay tirahan ng mga masasamang elemento. Hindi kasama ng mga alagad si Jesus. Nang mga sandaling iyon na kailangan nila si Jesus, siya ay hindi nila kasama. Pagkatapos, si Jesus ay nagpakita sa kanila. Ang akala nila siya’y isang multo. Pinatahimik sila ni Jesus habang kanyang pinatatahimik din ang mga alon at hangin.

Dapat nating matutuhan sa ating buhay na makita ang presensiya ng Diyos kapag tayo’y nahaharap sa mga problema at kapag nararamdaman natin ang kadiliman at kawalang-pag-asa. Si Jesus ay parating nasa tabi natin.

vuukle comment

BASAHIN

BETSAIDA

DAGAT

DAPAT

DATAPWAT

DIYOS

JESUS

SI JESUS

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with