^

PSN Opinyon

Ano ang first,second,third degree burns ?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MAY kasabihan na manakawan ka na ng ilang beses, pero huwag lang masunugan. Totoo ito lalo pa nga kung sa pagkasunog ng lahat ng ari-arian ay may kaaanak pang mabiktima o masunog ang katawan. Napakasakit kung may masunog ang katawan. Naalala n’yo ang mga naging hitsura ng mga naging biktima ng Ozone Disco na nasunog noong 1995? Nakaligtas nga sila sa tila impiyernong sunog na iyon subalit ang peklat ng trahedya ay nasa kanila pang mga katawan at hindi na maaalis pa. Hindi rin kayang mapanumbalik ng siyensiya ang napinsala nilang katawan dahil sa bangis ng apoy.

May tinatawag na first, second at third degree burns. Ang first degree burns ay kung namula (redden) ang balat. Ang second degree ay kung nagkaroon ng paltos (blistering) at ang third degree ay ang pagkasira ng balat at napinsala ang cells nito. Naka-expose ang katawan sa bacterial infection at napinsala na ang muscle sa balat.

Sa mga may third degree burns, kinakailangan ang puspusang pag-iingat. Uminom nang maraming tubig o fruit juice. Kumain ng mga protein foods gaya ng karne, isda, pagkaing butil at mga prutas na mayaman sa Vitamin C. Iwasang uminom ng kape, tea at alcohol. Ang kape at tea ay mga ito ay diuretics samantalang ang alcohol ay nakapagde-dehydrate sa katawan at pinatutuyo ang balat.

Mahalaga para sa isang nasunog ang katawan na mapalitan ang mga nawala sa kanyang fluids, protein sodium, potassium at essential fatty acids. Ang fish at vegetable oils ay may mahalagang papel para gumaling agad ang sugat. Kailangan ng isang burn victim ang mga pagkaing maraming calories.

IWASANG

KAILANGAN

KATAWAN

KUMAIN

MAHALAGA

NAALALA

NAKA

OZONE DISCO

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with