Katiwaliang sinasabi ni Villaruel halukayin!
November 11, 2003 | 12:00am
HINDI na halos makilala si dating Air Transportation Office chief Panfilo Villaruel dahil tadtad ng mga bala ang katawan nito at aide na si Navy Lt. Sg. Ricardo Gatchillar. At sa nangyari hindi masawata ang galit ng kanilang mga mahal sa buhay sa kaawa-awang nangyari sa dalawa.
Marami ang bumabatikos sa ginawang aksyon ng SWAT. Sumusuko na umano ang dalawa ay niratrat pa rin ang mga ito. Ipinagtanggol naman ng PNP at Malacañang ang ginawa ng SWAT. Makatarungan daw ang naging hakbang ng pulisya dahil sa inilagay nina Villaruel sa panganib ang buhay ng mas nakararami partikular na ang mga pasahero ng mga eroplanong dumadating at umaalis ng Ninoy Aquino International Airport.
Sari-sari ang mga lumalabas na reaksyon tungkol sa pagkakapatay kina Villaruel at Gatchillar. Nagkakaisa ang mga dating mga kasamahan at mga aviation experts na hindi kailangang naging madugo ang insidenteng nasabi at naiwasan sana ito kung ang mga kasalukuyang pinuno ng ATO at ng NAIA ay may mga karapat-dapat na pagsasanay at kaalaman sa aviation.
Subalit, ang dapat na pagtuunan ng pansin ng lahat ay ang nais sanang ipahayag ni Villaruel tungkol sa katiwalian sa pamahalaan. Ang bagay na ito ay hindi na naibulaslas ng dating ATO chief sapagkat inulan na ng bala. Magiging makatarungan at makabuluhan lamang ang pagkamatay ni Villaruel kung maihahayag ng lubusan ang katiwaliang gusto niyang isambulat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended