^

PSN Opinyon

Bitay ng kidnappers,pangakong napako

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA Colombia mahigit isang daan ang kinikidnap araw-araw. Iba-iba ang rason. Kalimitan ay para sa ransom. Kung minsan ay para manakot lang ng matatapang na peryodista ang drug lords. Kung minsan naman, para mang-salvage ng rebelde ang mga rightist vigilantes. Pero hindi na masugpo ang abductions dahil walang political will ang gobyerno roon.

Angal ni Kapitan Martin Diño ng Volunteers Against Crime and Corruption, gan’un na rin ang nangyayari sa Pilipinas. May batas tayong naglalapat ng bitay sa karumal-dumal na krimen, tulad ng kidnapping, drug trafficking, rape, murder, plunder at highway robbery. Pero hindi ito pinatutupad. Nangako si President Gloria Macapagal Arroyo na ipapa-lethal injection agad lahat ng ma-convict na kidnapper at drug dealer. Pero, ani Diño, makakita lang si GMA ng nakasuot abito, umaatras agad.

Ayon sa Bureau of Corrections, merong 123 convicts sa kidnapping at 37 sa drug dealing nu’n pang Pebrero 2002. Nadagdagan na sila dahil marami pa ang nahuli at sinentensiyahan nitong 2003. Wala pa ni isang nabibitay.

Ang masaklap pa, ani Diño, nakakapag-drug dealing pa ang iba miski nakakulong na. ‘Yung kidnappers, tinatamasa pa ang kinita sa ilegal na gawain sa pamamagitan ng mga pribilehiyo sa bilibid.

‘Yan ang rason, ani Diño, kaya hindi masugpo ang kidnapping at droga. Malakas ang loob ng mga sindikato, dahil bukod sa malaki ang kita sa krimen, hindi naman ganap na napaparusahan. Nakakulong nga, pero malaki ang tsansang makatakas sa pamamagitan ng panunuhol.

Ayon sa mga obispo, may pag-asa pang magbagong-buhay ang mga makasalanan. Kung ang mamamatay-Kristiyanong si Saul ay naging si Paul na pinakamahusay na manunulat ng Kristiyanismo, lalo pa ang ibang pusakal na minsan lang nagkasala.

Tugon ni Diño, dapat magbayad ang kriminal ayon sa umiiral na batas. Anim sa 123 kidnappers sa death row ang pumatay ng biktima; dalawa ay nang-rape pa. ‘Yung drug lords, mas maraming sinirang buhay dahil sa shabu. Ibitay daw sila para huwag pamarisan.

vuukle comment

ANGAL

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

DRUG

IBITAY

KAPITAN MARTIN DI

PERO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with