Bakit palagi si GMA sa Mindanao?

SA Mindanao na idinadaos ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang mga mahahalagang pagtitipon na karaniwang ginaganap sa Malacañang. Pati mga tanggapan ng gobyerno ay nagkaroon na rin ng mga sangay doon.

Malawak at napakayaman ng Mindanao. Napakarami rin ng tao roon na ang karamihan ay Muslim na matagal nang sumisigaw na sila ay napapabayaan ng pamahalaan. Ito ang isang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nagrerebelde sa pamahalaan.

Dahil sa konsentrasyon ng pamahalaan ni GMA ngayon sa Mindanao, marami ang nagtatanong kung ito ba ay may kinalaman sa eleksiyon sa 2004. Nagbabago na nga ba ng isip si GMA?

Nagiging sentro na ng kanyang pamahalaan ang Mindanao. Maraming projects siyang inilunsad doon. Milyong peso ang nakalaan doon. May perang nanggaling sa World Bank at ang mga ipinangakong tulong ni US President George Bush ay nakalaan sa Mindanao.

Baka naman hindi pulitika kundi hangarin niya na tulungan na ang mga taga-Mindanao upang matigil na ang karahasan doon. Kapag nahinto na ang karahasan, maaari nga namang bumuti na ang takbo ng pamumuhay at magsisimula na ang kasaganaan at kapayapaan.

Show comments