^

PSN Opinyon

Kinidnap na bata

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng isang pitong taong gulang na si Nette, anak nina Rina at Mar. Si Nette ay kinder at hatid sundo ni Rina sa paaralan. Alas dos ng hapon kung sunduin ni Rina ang anak. Isang araw, 2:30 ng hapon na nang makarating si Rina sa paaralan at hindi na niya naabutan ang anak. Ayon sa mga nakakita, isang babae raw ang sumundo sa bata. Agad na nag-report sa NBI si Rina.

Makalipas ang limang araw, nakatanggap ng tawag mula sa pulis si Rina. Sinabi ng pulis sa kanya na matatagpuan ang kanyang anak sa bahay ni Gloria, isang kagawad ng kabilang barangay. Dala ang mga papeles na magpapatunay ng katauhan ni Nette, sumugod agad siya sa bahay ni Gloria. Si Nette nga ang bata. Ayon kay Gloria, iniwan sa kanya ang bata ng isang babaeng hindi nagpakilala. Nang hindi na bumalik ang babae at nang mabasa niya sa diyaryo na kinidnap ang bata, inireport niya agad ito sa kanilang punong barangay.

Ayon naman kay Nette, habang hinihintay niya ang kanyang ina, lumapit sa kanya ang isang babae na nangakong magbibigay ng sorpresa sa kanya kapag sumama siya rito sa isang malaking bahay na marami ring bata; na dinala siya ng babae sa nasabing bahay kung saan siya nagpalipas ng gabi; at kinabukasan ay dinala siya sa tindahan ni Gloria.

Mabilis na nalutas ang paghahanap sa babae nang pagkaraan ng dalawang araw, bumalik ito sa tindahan ni Gloria upang sunduin ang bata. Mabilis na nakatawag si Gloria sa pulis at kay Rina. Naaresto ang babae na nakilalang si Grace.

Sa paglilitis ng kaso, malinaw na tinukoy ni Nette na si Grace ang babaing sumundo sa kanya sa paaralan.

Itinanggi ni Grace ang akusasyon sa kanya. Iginiit niyang sinundo niya ang bata sa isang pakiusap ng kaibigan, na hindi naman tumestigo. Ayon sa kanya, hindi raw niya kinidnap ang bata dahil kusa naman daw itong sumama sa kanya. Tama ba si Grace?

MALI.
Nahatulan ng Korte Suprema si Grace ng kidnapping. Pinatunayan ng prosecution na ang akusadong si Grace, na isang pribadong mamamayan, na kumuha sa bata sa paaralan nito ng walang pahintulot ng magulang ; at ang bata ay may edad na halos pitong taon; na ang pagsama ni Nette kay Grace ay dahil sa mga huwad na pangako nito sa bata. At kahit na isang gabi lamang ipiniit ang bata, limang araw pa rin itong inalisan ng kalayaan dahil kabilang na ang apat na araw na pamamalagi ng bata sa pangangalaga ni Gloria. (Pp. vs. Santos, G. R. 117873, December 22, 1997).

AYON

BATA

GLORIA

GRACE

ISANG

KANYA

KORTE SUPREMA

MABILIS

RINA

SI NETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with