Ang bagong uri ng palay
DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier () - April 3, 2003 - 12:00am
ANG palay na tinatawag ng IR-8 ay nakakamangha. Ang ani nito ay nadodoble mula 45 na kaban bawat ektarya ay nagiging 90. Para makatiyak, nagpatanim ako sa bukid sa likod ng bahay. Umani ako ng 111 kaban.

Noon ako nagpasya na ikalat ang kaalaman sa mga magsasaka tungkol sa IR-8 at ang lahat ay nagtanim.

Hindi pa lumilipas ang dalawang buwan ay niyaya na akong bumisita sa mga nayon para makita ang maagang resulta.

Galak na galak ako sa aking nakita. Malulusog at matipunong tanim ng bagong uri ng palay na IR-8.

"Kumusta ang resulta ng IR-8?"

"Tagumpay, Doktor. Lahat ay gustong subukan ang IR-8."

"Paano nakumbinsi ang mga magsasaka?"

"Sinabi namin na makaaani sila ng 90 kaban bawat ektarya. Pagkulang sa 90 kaban ay babayaran n’yo sila!"

Hindi ako makasagot dahil tama ang sinabi niya.

Kinuha ko na lang sa dasal ang resulta.

Sa awa ng Diyos ang lahat ay umani ng higit sa 90 kaban kada ektarya. Pinakamataas ang 124 kaban.

Sayang. Sana sinabi ko na lahat ng ani na lampas sa 90 kaban ay mapupunta sa akin.

DIYOS DOKTOR GALAK KABAN KINUHA KUMUSTA LAHAT MALULUSOG PAANO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with