^

PSN Opinyon

Ang mga gawain ni Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Sa unang bahaging ito ng Ebanghelyo ni Mark, mayroon tayong isang pagsasalarawan ng napakaraming gawain ni Jesus habang kanyang ipinapahayag ang paghahari ng Diyos.

Tingnan natin kung maiisa-isa natin ang mga ginagawa ni Jesus upang maisakatuparan ang kalooban ng Ama (Mk.1:29-39).

"Mula sa sinagoga, sila’y nagtuloy sa bahay nina Simon at Andres kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad nilang sinabi kay Jesus. Nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng lagnat at naglingkod sa kanila.

"Pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo, at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay. Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito sapagkat alam nila kung sino siya.

"Madaling-araw pa’y bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng kanyang mga kasama. Nang siya’y matagpuan, sinabi nila, ‘Hinahanap po kayo ng lahat.’ Ngunit sinabi ni Jesus, ‘Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral ako doon, ito ang dahilan nang pag-alis ko sa Capernaum.’

Nilibot niya ang buong Galilea, nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo."


Narito si Jesus na nagsasaganap ng kanyang gawain o ministry sa pamamagitan ng pagpapagaling sa biyenan ni Pedro. Nagpagaling din siya ng mga iba pang maysakit. Sa iba nama’y nagpalayas siya ng mga demonyo.

Sa gitna ng ganitong mga gawain, si Jesus ay may panahong manalangin. Oo, kinakailangan niyang manalangin. Naglalaan siya ng panahon upang manalangin. Pagnilayan si Jesus habang isinasaganap niya ang paghahari ng Diyos sa buhay ng mga tao. At itala na may panahon siyang manalangin.

Karaniwan nang sinasabi natin na tayo’y abala. Napakaraming mga bagay ang dapat nating intindihin. Wala tayong panahong manalangin. Sinasabi sa atin ni Jesus na ang pagsasaganap sa kalooban ng Diyos ay nangangahulugan nang pagtupad sa kanyang mga utos at pagkakaroon ng panahong manalangin. At ganoon nga ang ginawa ni Jesus.

ANDRES

CAPERNAUM

DIYOS

EBANGHELYO

GALILEA

HINAHANAP

JESUS

SIMON PEDRO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with