Paghahain kay Jesus sa templo
February 2, 2003 | 12:00am
APATNAPUNG araw pagkatapos ipanganak ang isang sanggol na lalaki, ito ay dinadala sa templo at doon ay tinutubos. Isinalaysay sa atin ni San Lukas ang kuwento tungkol kay Maria at Jose, kasama si Jesus, na nagpunta sa Templo ng Jerusalem. Doon isinagawa ang ritwal ng paglilinis o pagdadalisay kay Maria at ang ritwal ng pagtubos sa Sanggol (Lk. 2:20-40).
"Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.
"Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Jesus ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi.
"Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa Kautusan ni Moises, silay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon. At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.
"May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangalay Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hanggat hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon (ng kanyang mga magulang) ang sanggol na si Jesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siyay kinalong ni Simeon at nagpuri sa Diyos, na ang sabi, Kunin mo na, Panginoon ang iyong abang alipin, ayon sa iyong pangako. Yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa: Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.
"Namangha ang amat ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kayat mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso moy para na ring tinarakan ng isang balaraw.
"Naroon din ang isang propetang babae na ang pangalay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siyay napakatanda na. Pitong taon lamang sila nagsasama ng kanyang asawa nang siyay mabalo. At ngayoy, 84 na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabiy sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya ng oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Jesus sa lahat ng naghihintay ng pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
"Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batay lumaking malakas at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos."
Sa katauhan ng Sanggol na si Jesus, bumalik ang Diyos sa kanyang inabandonang banal na lugar. Pagkat anuman ang naging mga kasalanan ng Israel, patuloy at palagi nating matapat ang Diyos sa kanyang mga pangako. Ganoon din para sa atin.
Sa ating pagkabinyag, tayo ay inampon ng Diyos bilang kanyang mga anak. Bagamat gaano man tayo hindi naging matapat, kailanmay hindi tayo pababayaan ng Diyos. Gagawin ng Diyos ang lahat upang tayoy magsisi at magbagong-loob.
Sa kapistahang ito ni Jesus, anyayahan natin siyang pumasok sa ating puso. Hilingin natin kay Jesus na papanatilihin siya palagi sa ating mga puso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 13, 2026 - 12:00am