Halintulad sa tanim

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier () - February 1, 2003 - 12:00am
SA nayon ay maraming kataga na galing sa mga tanim. Hinahalintulad sa anyo o asal. Kailangan lang pag-aralan o magtanong sa nakakatanda para maintindihan ang ibig sabihin.

Narito ang ilang halimbawa:

• Buhok abaka — tawag sa mga ubanin dahil sa maputi ang mga buhok.

• Mangamatis — namamaga na kapareho ng hinog na kamatis. Karaniwan ay may impeksiyon.

• Buhok mais — taong may buhok na mamula-mula.

• Mangalabasa — mag-aaral na bumagsak sa eskuwelahan.

• Mangamote — mahina ang ulo at hindi makapasa sa eksaminasyon.

• Balat sibuyas — maramdamin, madaling mapikon.

• Balat bunga — hindi tapat o hindi tunay ang pakikipagkapwa-tao.

• Dahong malilim — malilim na puno. Ang ibig sabihin ay taong nagkasakit pero malapit nang gumaling o pagaling na.

• Utak-dayami — isang tao na kalat ang pag-iisip at hindi tuwid kung mangatwiran. Hindi maaaring kausapin dahil pabagu-bago ng paninindigan.

BUHOK DAHONG HINAHALINTULAD KAILANGAN KARANIWAN MANGALABASA MANGAMATIS MANGAMOTE NARITO UTAK
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with