Bumaba nga ba ang interest rate sa Pag-IBIG?

Dear Sec. Mike Defensor,

Bago ang lahat, nais kitang batiin sa malaking tulong sa ating mga kababayang nais magkaroon ng sariling lupa at bahay. Instrumento ka sa pagsasakatuparan ng aming matagal na pinapangarap.

Ako ay empleyado ng isang pribadong kompanya. Noong 1995, nag-avail po ako ng Pag-IBIG housing loan. Naghuhulog po ako ng aking amortisasyon buwan-buwan. Kamakailan, napag-alaman ko pong bumaba ang interest rate ng Pag-IBIG.

Maaari ko po bang i-avail ang benepisyo ng bagong interest rate? Di po ba applicable rin ito sa mga masigasig na magbayad ng kanilang amortisasyon? – Glenda ng Pasig City


Ang bagong interest rate ng Pag-IBIG Housing loan ay maaari ninyong i-avail sa dati ninyong loan. Dalhin lamang ang updated summary of payments sa Restructuring Division, 3rd Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag lamang sa telepono numero Blg. 811-4380 o 811-4372 para sa karagdagang impormasyon o detalye.

Maraming salamat sa pagbabasa mo ng aking column dito sa malaganap na Pilipino Star NGAYON.

Show comments