^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pakilusin ang pulisya

-
KAPAG hindi gumawa ng paraan ang gobyerno sa agarang pagdakip sa killer ni Supt. John Campos, maaaring tumama sa mukha ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang lahat ng batikos at masasamang puna. Siya ang pagbubuntunan ng sisi at maaaring marami ang magtatanong na wala na nga bang ligtas na lugar sa Pilipinas at pawang karahasan ang umiiral. Kapag ang Campos slaying ay napabilang sa tambak ng mga hindi nalutas na kaso, ang pamahalaang Arroyo ang tiyak na matatalsikan ng dumi. At kung matalsikan ng dumi, malaking kasiraan ito at tiyak na hindi na maaalis kapag kumapit. Matatanim sa isipan ng marami na malambot at walang "K" ang pamahalaan.

Si Campos, 37, ay binaril at napatay noong Huwebes ng madaling araw habang kumakain sa isang food house sa Parañaque. Ang cashier ng food house na si Emily Dumlao, 27, ay nadamay sa pamamaril at namatay. Si Campos, ay isa sa mga tauhan ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson. Isinangkot si Campos ng kanyang dating ka-live-in na si Mary Ong alyas Rosebud sa illegal drug trade. Tulad ni Lacson, na sumailalim sa imbestigasyon ng Senado sa mga kasong kidnapping, drug trafficking at money laundering, si Campos man ay sumailalim din sa Senate investigation. Ang pagpatay kay Campos ay malaking balita sapagkat sinabi ni Rosebud na si Lacson ang utak ng pagpatay. Mariing pinabulaanan ni Lacson ang bintang.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang malinaw na imbestigasyon ang pulisya. Nangangapa pa sila sa dilim na halos katulad din ng nangyari sa pagpatay kay Baron Cervantes, spokesman ng Young Officers Union (YOU) noong nakaraang taon. Ang pagpatay kay Cervantes ay halos katulad din ng ginawang pagpatay kay Campos.

Sana’y madakip sa madaling panahon ang killer ni Campos. Pakilusin sana ni Interior Sec. Jose Lina ang pulisya para mahuli ang killer at nang mahukay kung sino ang nasa likod ng pagpatay. Kung madarakip ang killer, mawawala na ang sari-saring speculation at haka-haka nasa ang pagpatay kay Campos ay bahagi ng destabilization plot laban sa Arroyo administration.

Mabilis na aksiyon ng pulisya ang nararapat sa kasong ito. Hindi dapat matulad ang Campos slaying sa mga kaso ng pagpatay na tulad ng kay Nida Blanca, Bubby Dacer, Edgar Bentain at marami pang iba.

vuukle comment

BARON CERVANTES

BUBBY DACER

CAMPOS

EDGAR BENTAIN

EMILY DUMLAO

INTERIOR SEC

JOHN CAMPOS

LACSON

PAGPATAY

SI CAMPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with