^

PSN Opinyon

Ang lalaking takot sa asawa

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MASKI sa baryo ay alam ang salitang takusa o takot sa asawa. Alam din ang U.S. na para sa Under the Saya. Ganoon din ang P.T.A. na ang kahulugan ay Puro Takot sa Asawa.

Marami palang lalaki sa baryo ang takot sa asawa kaya nagtayo sila ng grupo at nagpulong para piliin ang kanilang lider. Determinado silang gumawa ng hakbang laban sa kanilang mga mapanikil na mga asawa. Para lumaban sa kalayaan ng mga kalalakihan.

Subalit hindi sila magkasundo sa mga batayan at sistema ng pagpili. Sa bandang huli, isang lalaki ang nagsabing dapat silang magbotohan. Ang lahat ng mga lalaking sa palagay nila ay ander ay dapat na pumunta sa kanang bahagi ng kuwarto. Samantalang ang mga lalaking sa palagay nila ay hindi sila ander ay pupunta sa kaliwang bahagi.

Pumunta na ang mga kalalakihan sa kanilang mga puwesto. Mas marami ang pumunta sa kanang bahagi na ibig sabihin sila ay ander. Isang lalaki ang naiwan sa gitna. Ayaw kumilos. Kaya naisip ng lahat na ito ay hindi ander. Ito ang pinili nilang lider.

Pinalibutan nila ang bagong lider at tinanong kung bakit siya nanatili sa gitna at walang kakibu-kibo roon. Sumagot ang lalaki, "Sabi ng asawa ko, hindi ako dapat sumama sa maraming tao."

ALAM

ASAWA

AYAW

DETERMINADO

GANOON

ISANG

PURO TAKOT

UNDER THE SAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with