^

PSN Opinyon

Nana sa ngipin

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG pagkakaroon ng nana (abscess) sa ngipin ay dahil sa bacterial infection. Kumakalat ang impeksiyon mula sa bibig hanggang sa pinakapuno ng ngipin. Kapag ang nana ay lumitaw sa itaas na bahagi ng panga, magkakaroon ng panganib na ito’y maging sinus. Maaari ring ang infected material ay kumalat sa daanan ng dugo at maging dahilan ng impeksiyon sa iba pang bahagi ng katawan.

Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagkirot ng ngipin at ang pagiging sensitive nito sa mainit at malamig. Habang tumatagal, ang kirot ay tumitindi at makararanas ng pamamaga sa puno ng ngipin. Maaaring maging mapula ang mukha o puffy sa bahaging apektado. Maaaring magkaroon ng fever at malaise. Makararanas ng kawalang gana sa pagkain sapagkat ang pagnguya ay napakasakit.

Kapag ang nana ay pumutok, masama ang malalasahan at magkakaroon ng mabahong hininga.

Ang paggamot sa ngiping may nana ay sa pamamagitan ng paggamit sa maliit na incision. I-insert ito sa gum o kaya’y sa tooth canal. Kung minsan, ipapasok ang isang maliit na tube para ganap na maalis nang lubusan ang nana. Alternatively, the tooth may need to be extracted to allow the abcess to drain.

Ang antibiotics at mga pain-relieving drugs ay maaaring i-prescribed. Ipinapayo sa mga may impeksiyon na huwag inguya ang bahaging apektado hanggang sa hindi pa ito magaling.

Ipinapayo ang pag-iingat sa mga ngipin upang huwag magkaroon ng impeksiyon. Ang dental hygiene ay pag-ukulan ng atensiyon. Ang pagto-toothbrush ng ngipin ay huwag kalilimutan para maiwasan ang pagkabulok ng ngipin. Ang regular dental check-up ay mahalaga upang mapangalagaan ang mga ngipin.

HABANG

IPINAPAYO

KAPAG

KUMAKALAT

MAAARI

MAAARING

MAKARARANAS

NANA

NGIPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with