^

PSN Opinyon

Matulis na congressman tinutuhog ang tatlo niyang staff

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang matindi sa katulisan itong isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Philip San Marte ng MBC; Alex Acosta, Phil Balot, Marielle Cadiz, Nico Idquival, Cris Deriada at kina Bros. Felix Mendoza, Raffy Andrada at Paul Fernandez.
* * *
Alam n’yo bang tinutuhog ng isang congressman ang tatlo niyang magagandang staff?

Ayon sa aking bubuwit, habang wala ang misis ni Congressman kinakalantare nito ang tatlong magaganda niyang staff. Mahilig mag-abroad ang misis ni Congressman. Katunayan ay mas madalas pa itong nasa ibang bansa kaysa sa manatili rito sa Pilipinas.

Bigay-hilig naman si Congressman sa kagustuhan ng misis sapagkat kung wala nga naman ang asawa ay malaya itong nakakasama ang tatlo niyang chiching.

Matanda na si Congressman kaya lang ay matulis ang damuho.

Ayon sa aking bubuwit, sa tatlong staff na chiching ni Congressman, ang pinakabata ay betty tres anyos. Bagong graduate lamang ito ng Masscom at kinuha kaagad ni Congressman. Ito ang nagsisilbing Public Information Officer (PIO) ni Congressman.

Nakikita ito ng mga mediamen at talaga namang hanga sila sa beauty ng chiching. Morena, sexy at mahaba ang buhok. Itatago ko na lang siya sa pangalang Alma. Siya ay hawig kay Joyce Jimenez.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang pangalawa namang chiching ni Congressman ay nakagarahe na. Siya ang pinakamatanda sa tatlong chiching ni Congressman. Maganda rin ang chiching, maputi subalit may pagkababalina. Itatago ko siya sa pangalang Kris.

At ang pangatlong chiching ni Congressman ay isa namang betty sais anyos. Ito ay morena at hindi masyadong maganda kumpara kina Kris at Alma.

Pero ayon sa aking bubuwit, kahit average lamang ang beauty nitong si Kris, siya naman ang favorite ni Congressman. Kapag nagbibiyahe sa abroad si Congressman, ito ang parati niyang kasama

Hanep, hindi kaya nagseselosan ’yang tatlong staff na tinutuhog mo Congressman?

Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na tumutuhog sa tatlo niyang staff ay si...

Siya ay isang negosyante. Maputi, Tsinito at naka-salamin. Siya ay dating taga-Metro Manila subalit tumira na sa Visayas.

Siya ay walang iba kundi si Congressman S. as in Shell Diesoline Ultra.

vuukle comment

ALEX ACOSTA

AYON

CHICHING

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN S

CRIS DERIADA

FELIX MENDOZA

ITATAGO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with