Nawalan ng pagtitiwala
August 11, 2002 | 12:00am
KAPAG kayoy nasa maliit na bangka at malalakI ang alon at hinahampas ng malakas na hangin ang inyong bangkang sinasakyan, nagkakaroon kayo ng matinding takot. Ganito mismo ang nangyari kina Pedro at iba pang mga alagad nang silay abutan ng bagyo sa gitna ng Lawa ng Galilea.
Narito ang kanilang kuwento para sa linggong ito ayon sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 14:22-23).
Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siya inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling-araw nay sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. Multo! sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, Huwag kayong matakot; si Jesus ito! At nagsalita si Pedro, Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig. Sumagot siya, Halika. Kayat lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Jesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siyay natakot at nagsimulang lumubog, Sagipin ninyo ako, Panginoon! sigaw niya. Agad siyang inabot ni Jesus. Napakaliit ng iyong pananalig! sabi niya kay Pedro. Bakit ka nag-alinlangan? Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka, tunay na kayo ang anak ng Diyos! sabi nila.
Nagpakita si Jesus sa gitna ng malakas na salpok ng hangin at ang sabiy: Ako ito. Huwag kayong matakot. Nanalig si Pedro at nagsimulang lumakad sa ibabaw ng nag-aalimpuyong tubig. Ano ang nangyari kay Pedro? Sa umpisay kalmado siyang naglalakad sa tubig. Nakatuon ang kanyang pansin kay Jesus. Subalit ang kanyang atensiyon ay inagaw ng lumalaking alon. Naisip niyang siyay lulubog. Nawala ang kanyang atensiyon kay Jesus. Unti-unti nga siyang lumubog. Kaagad tumawag siya kay Jesus, "Panginoon, sagipin mo ako. Iniabot ni Jesus ang kanyang kamay kay Pedro at hinila ito. At ang dalaway bumalik sa bangka.
Ano ang sinasabi ng pangyayaring ito sa atin? Sa ating pang-araw-araw na pakikihamok sa buhay, nakararanas tayo ng mga unos o bagyo. Humaharap tayo sa mga problema. Kailangan natin ng pera para magbayad sa tubig at kuryente. Kailangan natin ng pera para pambayad sa upa ng bahay. Lahat ng ating pag-iisip ay nakatuon sa ating mga problema. Nakalimutan na natin si Jesus. Tulad ni Pedro, dapat nating sabihin kay Jesus, Panginoon sagipin mo ako. At tiyak na iuunat ni Jesus ang kanyang kamay. Pakakalmahin niya tayo. Dadalhan niya kayo ng tao upang makatulong sa inyo. Tiyak na malulutas ninyo ang inyong problema.
Sa lahat ng pagkakataon, magtiwala kay Jesus.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended