PAOCTF marami pang dapat sagutin
SAPOL - Jarius Bondoc () - January 11, 2002 - 12:00am
Sa wakas, rerepasuhin na ng NBI ang lumang roster ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force. Ito’y para alamin kung may sangkot na ahente ng dating elite police-military unit sa di-malutas-lutas na Rizal Day bombings nu’ng 2000.

Noon pa dapat ginawa ito. Dalawang araw bago ang bombings na pumatay sa 26 na civilians at pulis, na-diyaryo ang tatlong hinihinalang terorista na nahuli ng NBI sa Plaza Ferguson, Manila. Kumanta ang tatlo: Inilipad sila ng PAOCTF agents mula Zamboanga City para sa umano’y "bombing mission." Magsa-sideline rin sila ng pagbenta sa media outlets ng videotapes ng interview kay Jeffrey Schilling, na noo’y hostage ng Abu Sayyaf. Tila may ugnayan ang PAOCTF at Sulu terrorists. Kaya lang, wala nang kasunod ang imbestigasyon. Malakas noon ang PAOCTF.

May bagong leads na tumuturo sa PAOCTF sa Rizal Day massacre. Isang Col. Efren Torres ang umano’y go-between ng mastermind at bombers. At ‘yung nahuling 100.5 kilo ng C-4 explosives kay Navy Lt. Anthony Miraflor, kulang ng 4.5 kilos sa nakalistang in-issue sa kanya. Dating PAOCTF officer si Miraflor; C-4 din ang explosives na ginamit sa bombings. Sumisikip na kaya ang bitag?

May iba pang krimeng sangkot ang PAOCTF na dapat siyasatin ng NBI. Nasa financial records ng TF Corp., franchise owner ng burger joint sa Bicutan, na pera ng PAOCTF – samakatuwid, ng taumbayan – ang puhunan. Naka-rehistrong may-ari ng kompanya ang matataas na officers ng PAOCTF: Panfilo Lacson, Michael Ray Aquino, Magtanggol Gatdula, at James Melad. Graft at malversation ito.

Marami pa ring kagamitan ng PAOCTF ang hindi ma-account ng officers: Bugging devices, kotse, safehouses, baril at bala, cellphones. Kung susuyurin lahat ng NBI, mapapanagot ang officers.

Samantala, hinihintay ng taumbayan ang report ng Senado tungkol sa umano’y drug-trafficking ng PAOCTF. Hinihintay din ang desisyon ng Korte Suprema kung idadawit si Lacson sa Kuratong Baleleng massacre.

ABU SAYYAF ANTHONY MIRAFLOR EFREN TORRES ISANG COL JAMES MELAD JEFFREY SCHILLING KORTE SUPREMA KURATONG BALELENG PAOCTF RIZAL DAY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with