^

PSN Opinyon

Purgatoryo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ipinagdiriwang natin ngayon ang alaala ng mga kaluluwa sa purgatoryo. Ating paniniwala bilang Kristiyano na kapag namatay ang isang tao, ang kanyang kaluluwa’y daraan sa isang paglilinis. Tayo’y dapat maging ganap na banal kapag humarap sa presensiya ng Diyos.

Sa kaisahan o kasamahan ng mga banal o mga santo, tayo na nabubuhay pa dito sa lupa ay nagdarasal para sa ating mga patay. Nag-aalay tayo ng Misa para sa kanila. Nagdarasal tayo sa Diyos na dalhin ang mga kaluluwa ng ating mga patay sa walang-hanggang buhay at kaligayahan na kapiling niya. At hindi dapat kalimutan na tayo rin ay ipinagdarasal ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

Narito ang mga nakakapagpalubag-loob na mga kataga mula sa aklat ng Karunungan sa Lumang Tipan (Kar. 3:1-9).

‘‘Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at hindi sila makararanas ng kamunti mang pahirap. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay mamamatay: Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na. Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan, ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala, napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat. Sila’y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.

‘‘Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal, magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami. Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig, at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan. At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig, sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang."


Ang mga katagang ito’y dapat magbigay sa atin ng pag-asa. Ang purgatoryo ay isang lugar ng kapayapaan. Ito ay lugar ng pag-asam. Ganap na kaligayahan ang wakas.

Ipanalangin ninyo ang mga namatay ninyong kaanak at mga kaibigan. Manalangin din kayo sa kanila.

BAGAMAT

DIYOS

GANAP

INIISIP

IPANALANGIN

LUMANG TIPAN

NGUNIT

PANGINOON

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with