Congressman mahilig magregalo ng cellphone sa GRO

Alam n’yo bang mahilig magregalo ng cellphone sa nililigawang GRO ang isang congressman?

Alam n’yo rin ba na hindi "bumigay" ang isang magandang GRO sa kabila na niregaluhan siya ni Congressman ng cellphone?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay DAR Sec. Hernani Braganza mula kay Ms. Violeta Bonilla and DAR Employees Association.
* * *
Alam n’yo bang matindi pa ring lumigaw itong congressman na malapit nang maging amoy lupa?

Ayon sa aking bubuwit, madalas magtungo si Congressman sa isang sikat na nightclub sa Quezon City. Halos five times a week kung magtungo siya sa paboritong club. Meron kasi siyang nililigawang maganda at batambatang GRO roon.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang nililigawan ni Congressman ay isang daisy-nuebe anyos na chiching. Ito ay maputi, slim, sexy at may taas na 5’4’’. Sabi ng aking bubuwit, ang GRO ay kahawig ni actress Jacklyn Jose.

Alam n’yo ba kung ano ang style ng panliligaw ni congressman? Siya ay parega-regalo ng cellphone. Niregaluhan ni Congressman ng Nokia cellphone na Model 6210 ang GRO.

Ayon sa aking bubuwit, dahil niregaluhan ni Congressman yung GRO ng cellphone, akala niya ay "bibigay" na ito. Pero hindi "bumigay" ang GRO.

Hindi "bumigay" kaya asar na asar si Congressman. Ang cheap mo naman daw Congressman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na halos araw-araw ay lumiligaw sa isang GRO ay si Congressman...

May bigote si Congressman kaya lang medyo kulay gray na.

Ang congressman na nagregalo ng cellphone sa GRO subalit hindi pa rin napabagsak ang Bataan ay walang iba kundi si...

Ito ay si Congressman S.D. ng Timog Katagalugan.

Show comments