^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng pilyong bata

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Aburidung-Aburido na ang bagong guro ng paaralan sa nayon. Una niyang pagtuturo pagkatapos ng kolehiyo. Hindi niya alam kung paano hahawak ng mga pilyong bata. Madalas sumaisip na papaluin o babatukan ang mga batang pilyo. Ngunit naalaala niya ang pinag-aralan sa kolehiyo na huwag mananakit ng bata. Kausapin ang magulang ng mga batang pilyo nang sa ganoon ay sila ang magbibigay ng parusa.

Ganoon nga ang ginawa ng guro. Subalit isang pilyong bata ang nagpatindi ng kanyang galit. Sobra ang kapilyuhan ng bata.

Minsan, tinanong niya ang mga estudyante kung sino ang gustong tumungo sa langit. Lahat ay nagtaas ng kamay maliban sa pilyong bata.

"Bakit ayaw mong tumungo sa langit?" tanong ng guro.

Mayabang na sumagot ang pilyong bata, "Gusto ko rin sana, Teacher, ngunit ayaw kong makasama ang aking mga kaklase na dapat ay mapunta sa impiyerno." Nagsigawan sa galit ang mga kaklase.

Kung anu-ano pa ang mga kapilyuhang ginawa ng bata. Gulung-gulo ang isipan ng guro at gusto nang paluin o batukan ang bata. Hindi na siya makatiis sapagkat marami sa mga kaklase ang nagrereklamo at umiiyak dahil sa kapilyuhan ng bata. Pinagalitan niya ang bata subalit walang epekto.

Hindi na nakatiis ang guro. Isinumbong ang batang pilyo sa ina nito bago pa niya mapalo o mabatukan.

"Pasensiya ka na, Teacher," samo ng ina. "Alam mo hindi siya basta natatakot kung pagagalitan lang. Ang gawin mo ay batukan siya sa harap ng kanyang kaklase at matatakot ito."

ABURIDUNG-ABURIDO

ALAM

BAKIT

BATA

GANOON

GULUNG

ISINUMBONG

KAUSAPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with