^

PSN Opinyon

PILANTIK - Salamat at sayang

- Ni Dadong Matinik -
Maraming salamat sa mga botante,
may bago ng mayor itong Quezon City;
ang dating speaker – si Sonny Belmonte
doo’y inihalal ng nakararami!

At sa Muntinlupa – lunsod na maganda
si Jimmy Fresnedi siyang pinagpala;
ang mga botante’y nagkaisa-isa
na muling iluklok na alkalde nila!

Sa isang probinsiya – sa Laguna province
Si Ningning Lazaro lalong nagluningning
ang kanyang tinalo ng malaking ‘‘margin’’
si Kuya Bert Lina’ng di pa hinog mandin!

Sa pagka-Congressman na kumandidato
ay sayang na sayang isang paborito;
Si Ignacio Bunye na iniidolo
nitong Muntinlupa ay biglang natalo!

At natalo pa ring kahina-hinayang
Alita Mercado ng kilalang angkan;
kung siya’y nagwagi’t pinagtiwalaan
lalo pang uunlad kanyang lalawigan!

Ang isa pang sayang sa mga natalo
si Baby Cataquiz ng bayang San Pedro;
matagal nang hangad ng babaeng ito
siya ay maglingkod sa maraming tao!

vuukle comment

ALITA MERCADO

BABY CATAQUIZ

JIMMY FRESNEDI

KUYA BERT LINA

MUNTINLUPA

QUEZON CITY

SAN PEDRO

SI IGNACIO BUNYE

SI NINGNING LAZARO

SONNY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with