^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tapyasin ang ulo ng mga smugglers

-
Isa ang Bureau of Customs sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno. Ang kabulukang ito ng Customs ay hindi na lingid sa taumbayan. Karamihan sa mga opisyal dito at personnel ay yumayaman dahil sa masamang gawain. Madalas ngang marinig na may mga Hepa ang nagsisipagtrabaho sa Customs sapagkat naninilaw sila sa dami ng alahas sa katawan. Nakapaligid dito ang mga katiwaliang hindi na masugpu-sugpo. Nang maupo si President Estrada noong 1998 at nagbanta sa mga corrupt na ‘‘huwag siyang susubukan’’ nagkaroon ng pag-asa ang taumbayan na malilinis na rin ang mga ahensiya ng gobyerno – kasama ang Customs. Hindi pala. Mas lalong dumami ang mga magnanakaw at kasangkot dito ang mga kaibigan, kamag-anak at kabit ni Estrada.

Sa panahon ni Estrada ay dumami ang mga smugglers. May mga smugglers ng manok, asukal, mamahaling sasakyan at kung anu-ano pa. Nang mabulgar ang tungkol sa talamak na smuggling sa bansa, kunwari’y mabilis na kumilos si Estrada at nagtayo pa ng task force para masugpo ang masamang gawaing ito. Wala ring nangyari. Tuloy ang kurakutan. Sinibak ni Estrada si dating Customs Commissioner Nelson Tan na umano’y walang silbi. Naghanap ng kapalit si Estrada subalit makalipas lamang ang isang linggo, nag-resign na ang ipinalit dito. Hindi umano masikmura ng ipinalit na commissioner ang kabulukang nangyayari sa bureau.

Habang patuloy na nagkukunwari ang Estrada administration sa pagsugpo sa katiwalian, patuloy namang namamayagpag ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa pag-iismuggle. Naglabas pa ang Malacañang ng mga listahan ng mga bigtime smugglers. Subalit sa dami ng inilabas, isa lamang ang nadakma. Ito ay si Lucio Lao Co. Subalit makaraang hulihin ng Philippine National Police si Co, pinakawalan din ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya. Naglagay uli ng bagong commissioner sa Customs, isang kaklase ni Estrada subalit ganoon pa rin ang tanawin ng kabulukan. Napabalita pang smuggler ang isang kabit ni Estrada.

Ngayon ay bago na ang administrasyon at umaasa na walang kamag-anak o kaibigan si President Gloria Macapagal-Arroyo na maghahari-harian sa Customs. Sawang-sawa na ang taumbayan sa katiwalian at hindi na dapat maulit ang nangyari. Tagpasin na ang ulo ng mga smugglers at ang mga opisyal ng Customs na kumakalong sa mga ito. Tama na sobra na!

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER NELSON TAN

ESTRADA

LUCIO LAO CO

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with