^

PSN Opinyon

Masyadong grabe na

- Ni Dadong Matinik -

Problema ng bansa masyadong grabe na
At problema ito tungkol sa basura,
Ito ay problemang simpleng nagsimula
Subalit lumaki sa pagpapabaya!
Sa Metro Manila at karatig-pook
Tambak ng basura’y nagbubunduk-bundok,
Gilid ng lansangan ngayo’y nagpuputok
Sa mga basurang malangaw malamok!
Habang nagtatagal lalong lumulubha
Maraming marunong ay walang magawa,
Sa lungsod at bayan kung madaraan ka
Magtatakip-ilong upang di masuka!
Nakahihiya na ang sitwasyong ito
Sa mga turistang dumadalaw dito,
Iisipin nilang ang ating gobyerno
Napaka-inutil – mga lider gago!
At sa mamamayang nagbabayad-buwis
Ito ay insulto na walang kaparis,
Bayad na nang bayad upang may maglinis
Ngunit ang basura’y hindi inaalis!
Dumpsite ang problema ng ating gobyerno
Ngunit hanggang ngayo’y di mahanap ito,
Eh sinong hahanap ordinaryong taong
Ang sikmura’y humpak busog sa pangako?

vuukle comment

BAYAD

DUMPSITE

GILID

HABANG

IISIPIN

MAGTATAKIP

MARAMING

NGUNIT

SA METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with