^

PSN Opinyon

PILANTIK - Subway

- Ni Dadong Matinik -
Narito ang isang magandang balita
sa lahat ng taong sa trapik ay kuba,
Ang ating gobyerno ang sabi’y gagawa
ng mahabang kalye sa ilalim-lupa!

Ang lagusang ito kung tawagi’y subway
lupa’y bubutasin para maging tunnel,
Katulad sa bansang mayayama’t okey
na walang problema sa pera’t sa zoning!

Sabi ng gobyerno ito’y popondohan
ng P700 milyong salapi ng bayan,
Kung saan kukunin halagang naturan
ay hindi sinabi ng pamahalaan!

Tunay na maganda at kapuri-puri
proyektong naisip pantulong na kalye,
Kung ito’y gagawing maganda’t maliksi
mabibiyayaa’y sambayanang sawi!

Transportasyon nati’y higit pang kikisig
pagkat tren itong may sariling riles,
Sa Metro Manila’y, babawas sa trapik
at ang mamamaya’y bibiyaheng mabilis!

Ngunit ang problema’y kung saan kukunin
malaking halagang dito’y gagastusin?
Di naman maaring ito’y manggaling din
sa pondo ng bayan na mula sa jueteng!

vuukle comment

BAYAN

KATULAD

KUNG

NARITO

NGUNIT

SA METRO MANILA

SABI

TRANSPORTASYON

TUNAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with