^

PSN Opinyon

Nililito na ang impeachment trial

-
Dinesisyunan noong nakaraang linggo ni Chief Justice Davide na buksan na ang dokumento na ipinadala ng Equitable PCIBank. Ito ay bubuksan upang makita ang kaugnayan ni President Estrada kay Jose Valhalla. Agaran namang tinutulan ito ng mga abogado ni Estrada dahil wala raw itong kinalaman sa kaso. Maging ang ilang senador ay hindi sumang-ayon sa desisyong ito. Subalit matatag ang pinanghahawakan ng mga taga-usig na malaki ang kinalaman nito kay Estrada. Ginamit umano ang account ni Valhalla sa maraming transaksiyon kabilang na ang pagbili sa Boracay Mansion.

Makailang beses na ring itinanggi ni Estrada na wala siyang kinalaman sa jueteng at hindi sa kanya ang mga magagarang mansiyon. Kung ganito ang paninindigan ni Estrada at kung paniniwalaan na wala siyang tinatanggap mula sa jueteng, bakit ngayon ay malakas ang pagtanggi ng depensa na buksan ang mga selyadong dokumento? Kung sakali mang pabor sa prosekusyon ang ebidensiyang lalabas ay maaari rin naman itong i-cross-examine ng depensa. Natatakot ba sila na may mga makikitang ebidensiya na magdidiin kay Estrada? Ikalawa, bakit may isang Jaime Dichaves na biglang lilitaw at umaakong sa kanya ang bank account na nasa pangalan ni Valhalla samantalang noong umpisa pa lamang ng paglilitis ay matagal na itong pinaghahanap?

Sa mga bagong kaganapan, makikita na gustong lituhin ang direksiyon ngayon ng paglilitis. Bakit ngayon lamang lumabas ni Jaime Dichaves? Sa pagtutol na lamang ng depensa ay muling maaantala ang paglilitis, at isa na naman itong kuwestiyon ng teknikalidad na gagamitin ng depensa. Sa paglilitis, ang lahat ng mga bagay na maaring makatulong sa paghahanap ng katotohanan ay kailangang makita, kung pagkatapos buksan ang mga dokumento ay makitang hindi ito mahalaga o walang kinalaman sa kasong nililitis ay maari itong isantabi na lang. Mas madali itong gawin kaysa ibaon na lamang ang dokumentong maaari sanang nakatulong na ihayag ang katotohanan. Ang ganitong pagtanaw ay mas simple, mas maayos at mas makatutulong sa prosekusyon man o depensa.

vuukle comment

AGARAN

BAKIT

BORACAY MANSION

CHIEF JUSTICE DAVIDE

DINESISYUNAN

ESTRADA

JAIME DICHAVES

JOSE VALHALLA

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with