^

PSN Opinyon

PILANTIK - Walang dungis

- Ni Dadong Matinik -
Malapit na naman ang halalang lokal
mga kandidato’y kanya-kanyang hanay;
Nasa administrasyo’y hindi mapalagay
takot na matalo’t mapugayang-dangal!

At sa Muntinlupa — lungsod na maunlad,
iisang distrito’y daming naghahangad
Kandidato rito ay si Bunyong tanyag
di pa matatalo sapagkat matapat!

Ang rekord ni "Toting" ay napakaganda
at sa mamamayan lubhang mahal siya;
Kung may kakalaban ay mag-isip muna
pagkat isang pader babanggain niya!

Sapul nang maupo si "Toting" sa Congress
marami nang batas siyang naisulit;
Mga batas itong sa baya’y tangkilik
pag-unlad ng bansa ang doo’y kalakip!

At sa Muntinlupa ang kanyang pangalan
hindi nagkadungis — hindi nagalusan;
Ang graft and corruption kanyang nilabanan
kaaway din siya ng buktot at hibang!

Kaya nga sa ngayo’y mahirap talunin
ang lalaking itong may diwang magiting;
Doon sa Kongreso’y kilala’t magaling
laging nangunguna sa gintong gawain!

vuukle comment

BUNYONG

KANDIDATO

KAYA

KONGRESO

MALAPIT

MUNTINLUPA

SAPUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with