Tsekeng tumalbog
November 25, 2000 | 12:00am
Sa kasong Bouncing Checks Law, kailangan bang iprisinta ang kinatawan ng banko bilang testigo upang patunayang tumalbog ang tseke dahil walang pondo? Ito ang sasagutin sa kaso ni Nick.
Bilang kabayaran sa utang ng kanyang asawang si Lita sa inuupahan nitong apartment, nagbigay si Nick sa may-ari ng apartment na si Ana ng walong postdated checks na nagkakahalaga ng P113,300. Tumalbog lahat ang tseke at ito’y hindi napalitan ni Nick ng cash pagkaraang singilin siya ni Ana. Kaya idinimanda ni Ana si Nick ng paglabag sa Bouncing Check Law.
Sa paglilitis, si Ana lang ang tumestigo. Sinabi niya sa Korte na ang walong tseke ni Nick bilang kabayaran ng upa ay tumalbog at ito’y hindi napalitan ni Nick ng cash. Ipinakita niya ang mga tseke sa Korte at ang selyo ng banko na sinasabing ang mga ito ay walang pondo. Hindi na pinirisinta ng taga-usig ang kinatawan ng banko upang patunayan na ang mga tseke nga ay walang pondo. Sa halip ng magprisinta ng ebidensiya bilang depensa, hiniling ni Nick na idismis ang kaso laban sa kanya. Ayon kay Nick, dahil hindi naiprisinta bilang testigo ang kinatawan ng banko, hindi raw napatunayan na ang mga tseke ay tumalbog dahil ito’y walang pondo. Tama ba si Nick?
Mali. Hindi kinakailangang iprisinta pa ang kinatawan ng banko upang patunayang tumalbog ang mga tseke dahil ito’y walang pondo. Ang testimonya ni Ana ay sapat na upang patunayan ito. Matapos tumestigo si Ana tungkol dito, pinapalagay na ng batas na talagang tumalbog ang mga tseke dahil walang pondo sa banko para rito. Nasalin kay Nick ang tungkuling patunayan na ang mga tseke ay may pondo. Dahil hindi siya nagprisinta ng ebidensiya upang pabulaanan na ang mga tseke ay walang pondo, sapat na ang ebidensiya upang siya’y mahatulang nagkasala ng paglabag sa Bouncing Checks Law. Makukulong si Nick. (Tadeo vs People of the Philippines G.R. No. 129774 December 29 1998).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended