^

PSN Opinyon

Alta presyon

-
Mapanganib ang magkaroon ng high blood pressure o alta presyon. Sinasabi na isa sa pitong Pilipino ay may high blood pressure at hindi lahat ay nakaaalam na meron silang ganitong karamdaman. Ang pagkakaroon ng high blood pressure ay malaki ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso, sakit sa kidney at ito rin ang nagiging sanhi ng pagkabulag.

Sinasabi na walang nakababatid ng dahilan ng pagkakaroon ng high blood pressure. Sa 90 hanggang 95 porsiyento ng kaso ng mga pasyenteng may karamdamang ganito ay iniuugnay ito sa heredity o namamana, sobrang taba o overweight, sobrang pagkain ng maalat, diabetes, high cholesterol at paninigarilyo. Sa ibang kaso naman ang pagkakaroon ng alta presyon ay nagmumula din sa sakit sa atay, tumor sa adrenal gland at ang pinsalang congenital sa malaking blood vessels gaya ng aorta.

Walang tiyak na lunas sa essential hypertension subalit ito ay makokontrol sa pamamagitan ng diet, exercise, maintenance of a desirable body weight, avoidance of smoking and reduction of excessive alcohol intake. Ang mga may karamdamang ganito na hindi kayang makontrol sa pagtupad sa mga nabanggit na healthy lifestyle practices ay nararapat na magkaroon ng medikasyon para makontrol ang blood pressure nila at para rin maiwasan na magkaroon ng komplikasyon.

Walang ‘‘ideal’’ na blood pressure at sa kabuuan ang taong may mabuting pakiramdam at mababa ang presyon ng dugo ay malaki ang pag-asa na mabuhay ng matagal, malusog at matiwasay. Ang pagtingin sa blood pressure ay makabubuting gawin sa taong hindi pagod at walang stress o pagkaligalig na nadarama. Ang sobrang physical activity, emotional upset, excessive heat or cold, a full stomach or bladder ay makapagpapataas ng presyon ng dugo.

vuukle comment

BLOOD

HIGH

MAGKAROON

MAPANGANIB

PILIPINO

PRESSURE

PRESYON

SINASABI

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with