^

PSN Opinyon

PILANTIK - Pasya ng bayan

- Ni Dadong Matinik -
Rally ng kaliwa at rally ng kanan
ang nasasagupa nitong sambayanan;
gusto ng kaliwa; Si Erap mag-resign
ang gusto ng kanan: Erap stay ka lang!

Alin sa dalawa ang pipiliin n’yo
pag-alis ni Erap na ating Pangulo
o manatili s’ya doon sa Palasyo?
Nag-iisip ngayon si Huwang tuliro!

Mayroong nagsasabi na marapat lamang
umalis sa puwesto Pangulo ng bayan;
ayon sa kanila ang Pangulong iyan
ang nagpapahirap sa kaban ng bayan!

Sa likod ng pader nama’y sumisigaw
mga maka-Erap na siya ang mahal;
sa halip magbitiw dapat hintayin daw
pasiya ng batas sa ‘‘impeachment trial!’’

Ang siste mo nito’y biglang nagpasiya
mga mambabatas nating kongresista
ang ‘‘impeachment complaint’’ biglang isinampa
doon sa Senado ay papandayin na!

Ngayong nasa Senate ang kaso ni Erap
sana’y matagpuan ang ‘verdict’ na hanap;
ano mang mangyari – dapat maliwanag
pasiya ng bayan ang dapat igawad!

vuukle comment

BAYAN

ERAP

HUWANG

MAYROONG

NGAYONG

PALASYO

PANGULO

PANGULONG

SENADO

SI ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with