^

PSN Opinyon

PILANTIK - Anomalya sa DECS

- Ni Dadong Matinik -
Sa buong buhay ko sa mundong ibabaw
ay ngayon ko pa lang ito naranasan,
Nang musmos pa ako’t hanggang sa mag-aral
na ang educators sumobra ang alam!
Akalain mo ba na naghihikahos
itong sambayanang sa lahat ay kapos,
Marami sa ngayon ang out-of-school youths
di makapag-aral at walang panggastos!
Kabataang ito’t lahat ng school needs
ay di matugunan ng government unit,
Sa isang stroke lang ng mga nasa DECS
milyun-milyong pera ang agad nawalis!
Mamahaling kotse at mga sasakyan
binili ng DECS para sa opisyal,
Ang gawing ito’y di dapat inasal
ng isang ahensiyang kunwa’y mapagmahal!
Pagmamahal pa ba na maituturing
bumili ng kotseng pawang mamahalin?
Kung sa halip sana ang ginawang bilhin
gamit sa eskuwela’t mga school building!
Kung laging ganito ang pag-uugali
ng mga opisyal na ating pinili,
Lalo pang lulubha ating economy
at ang sambayana’y luluha parati!

vuukle comment

AKALAIN

ARAL

KABATAANG

MAMAHALING

MARAMI

NANG

PAGMAMAHAL

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with