^

Bansa

Hatol vs VP Sara nasa Senado pa rin - prosecutor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hatol vs VP Sara nasa Senado pa rin - prosecutor
Philippine Vice President Sara Duterte (front R) leaves court after posting bail in Quezon City, suburban Manila on September 5, 2026.
AFP / Ted Aljibe

Kahit mayorya ng Pinoy pabor sa conviction

MANILA, Philippines — Malaki ang magiging epekto ng impeachment trial sa pampolitikang kinabukasan ni Vice President Sara Duterte dahil maaari umanong tuluyang maputol ang kanyang planong tumakbo sa 2028 presidential elections kapag siya ay nahatulang guilty ng Senate impeachment court.

Ito ang iginiit ni House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, na nagsabing malinaw sa Konstitusyon na ang isang opisyal na mapatunayang nagkasala sa impeachment ay hindi lamang matatanggal sa puwesto kundi maaari ding mapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

“Hindi po ‘or’ ang ginamit, ang sinabi po ‘and’. Ibig sabihin, removal plus disqualification, perpetual disqualification to hold any public office,” ani Luistro.

Dagdag pa niya, saklaw ng naturang diskwalipikasyon ang lahat ng elective at appointive posts, mula barangay hanggang pagkapangulo.

Kasabay nito, ikinatuwa rin ng mga House prosecutor ang resulta ng pinakahuling survey na nagpapakitang mas maraming rehistradong botante ang umaasang makokondena si Duterte kaysa mapawalang-sala.

Sa survey na isinagawa noong Oktubre 1-4, nasa 44 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing ina­asahan nilang mahahatulan si Duterte, kumpara sa 31% na naniniwalang maaabsuwelto siya, habang 25% ang hindi pa makapagpasya.

Ayon kay Luistro, nagpapakita ang resulta ng survey ng pagtanggap ng publiko sa mga ebidensiyang naiharap ng prosekusyon sa mga unang yugto ng paglilitis.

Gayunman, binigyang-diin niyang isinagawa ang survey bago pa tumestigo ang forensic financial analyst na si Alexander Cabrera tungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawang Duterte.

Sinabi rin ng mga prosecutor na nauna rin ang survey bago nila bawiin ang tatlo sa mga artikulo ng impeachment complaint, dahilan upang maituon ang kaso sa Article II na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth, mga paglabag sa pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at ipinagbabawal na mga interes sa negosyo.

Para kay House Prosecutor Joel Chua, bagama’t mahalagang sukatan ang pulso ng publiko, nasa mga senador na nagsisilbing hukom pa rin ang pinal na pasya sa impeachment trial.

Sa ngayon, nakasalalay ang kapalaran ni Duterte hindi lamang sa posisyon niyang bise presidente kundi maging sa kanyang inaasahang pagtakbo sa 2028, habang patuloy na sinusuri ng Senado ang mga ebidensiyang inihaharap ng magkabilang panig.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with