^

PSN Showbiz

Lolit Solis, nagbabang-luksa na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis, nagbabang-luksa na!
Babang-luksa ni nay Lolit

Naka-isang taon na kaagad si Nay Lolit Solis na pumanaw.

Parang kailan lang na nang-ookray siya at nagkukuwento ng kanyang sakit sa kanyang Instagram page.

Noong Biyernes, July 3, ay inalala ang isang taon ng kanyang kamatayan ng ilang mga taong malapit sa kanya.

Ginanap ito sa isang Chinese restaurant sa Tomas Morato, kung saan siya nag-celebrate ng kanyang 75th birthday (supposedly).

Nagkaroon ng misa at saka nagkaroon ng kainan at maraming chikahan ang kanyang mga bisita.

Hindi makakalimutan ang naging ambag ni Nay Lolit sa entertainment industry.

Ambag na saya at kontrobersiya.

Piolo Pascual at Sam Milby

At kabilang sa tumatak sa kanyang pagiging kolumnista ng Pilipino Star NGAYON ay nang pormal siyang kasuhan ng libel sa Office of the Manila Prosecutor kaugnay ng isang artikulo na lumabas sa kayang Take It, Take It column noong Oktubre 15, 2007.

Isinulat noon ni Nay Lolit na hindi raw niya sinasad­yang makita sina Piolo Pascual at Sam Milby na diumano’y may isang “matamis” na sandali sa tabi ng pool ng Sofitel Hotel.

Kasabay ng pagtanggi ang galit nina Piolo at Sam.

Sa kasagsagan ng isyu, mariing tumanggi si Nay Lolit na bawiin ang isinulat niya sa kanyang kolum pero sumang-ayon siya na humingi ng paumanhin.

Sa bandang huli ay binawi ni Lolit ang kanyang sinulat at sinabing honest mistake ito kasabay ng pag-atras ng kaso sa kanya at sa dating editor ng PilStarNGAYON na namayapa na ring si Veronica Samio.

Pero isa lang ‘yun dahil mas naging kontro­bersiyal ang ginawa niya sa Manila Film Festival na nagpabago ng buhay ng mara­ming nasangkot sa kontrobersiya.

Anyway, dahil totoong ma­liit lang naman ang mundo ng showbiz, nagbatian at parang walang naganap na demandahan nang magkita sina Papa P at Nay Lolit sa isang event na nasundan pa ng ilang pagkikita.

Makulay at masaya ang naging buhay ni Nay Lolit bilang isang talent manager, kolumnista at pagi­ging PR.

Malaki rin ang naiwan niyang halaga sa dalawang anak na sina Sneezy at Sloopy. Kapwa sa America naglagi noon ang dalawa niyang anak at pamilya nito. Pero hindi siya nawalan ng pamilya sa showbiz, laging nakabantay sa kanya ang mga kaibigan na naging pamilya na niya particular na ang mga alaga niyang sina Bong and Cong. Lani Revilla, Lorna Tolentino, Paolo Contis, Tonton and Glydel Gutierrez, at marami pang iba.

Nasaan man ngayon si Nay Lolit, tiyak na humahagalpak siya ng tawa dahil sa nangyayari sa kanyang dalawang anak.

Anyway, dumalo sa kanyang babang-luksa sina Lorna T., Amy Austria, Glydel Mercado, Michelle Ortega and her daughter Ysabel, Cong. Lani Mercado, Direk Chito Roño, at ilang kamag-anak at daughter niyang si Sneezy.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with