John Lloyd, binalikan si Isabel?!

Pinagdududahang nag-reconcile sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos.
Ito ay matapos i-post ni John Lloyd ang photo ng isang blonde girl na nakatalikod na ang duda ng lahat ay si Isabel habang sila ay nasa ibang bansa.
Walang maka-comment dahil disabled ang comment box ng account na identified sa actor kahit hindi niya pangalan ang gamit.
Bigla ngang nawala kamakailan ang Instagram page ng girlfriend ng inactive actor matapos ang sunud-sunod na ganap sa kanila ng ex niyang si Ellen Adarna.
Nauna nang kinumpirma ni Bayani Agbayani na may gagawin siyang sitcom kasama sina John Lloyd at Ellen sa GMA 7.
Pinusuan ni Ellen ang nasabing post ni JL.
- Latest




















