Taylor at Travis, mag-asawa na!

Ikinasal na ang pop superstar na si Taylor Swift at ang American football na si Travis Kelce sa isang seremonya na pinangunahan ng komedyanteng si Adam Sandler at dinaluhan daw ng napakaraming celebrity.
Ayon sa mga online report, parehong nakasuot ng Christian Dior ang bagong kasal, ayon sa publicist ni Taylor, at piniling huwag magkaroon ng mga abay at groomsmen. Sa halip, ang kapatid ni Taylor na si Austin Swift ang nagsilbing man of honor niya, at ang retiradong Amerikanong footballer na si Jason Kelce ang best man ng groom.
Naganap ang kasalan sa abalang lugar na Madison Square Garden (MSG).
Base sa mga nagkalat na video, maraming tagahanga nila ang nagkukumpulan sa labas ng MSG buong araw noong Biyernes na ang ilan ay kumakanta pa ng mga sikat na kanta ni Taylor at nakasuot ng mga merchandise ng concert nito.
May mga umaakyat din sa scaffolding sa pag-asang mas makita ang mga kaganapan sa kasalan. “The bride and groom’s wedding ceremony looks have been created by Christian Dior Haute Couture. They are designed by Jonathan Anderson, Creative Director of Dior Women’s, Men’s and Haute Couture Collections, in close collaboration with the Bride and Groom. This is the designer’s first couture wedding dress for a world-renowned celebrity. Their shoes were custom made by Christian Louboutin and the bride wore Cartier jewelry,” her rep said in a statement.
“Taylor & Travis did not have bridesmaids or groomsmen. Instead, her brother Austin Swift served as Taylor’s Man of Honor and Jason Kelce was Travis’ Best Man. The ceremony joined both families together and was officiated by friend Adam Sandler,” base sa statement ng matagal nang publicist ni Taylor.
Matapos ianunsyo na mag-asawa na ang dalawa, ipinakita ng mga jumbotron sa labas ng arena ang mensaheng: “JUST&T MARRIED!”
Kabilang naman sa nakitang dumalo sa kasalan sina Hugh Grant, Gigi Hadid at iba pa.
Ang pagdiriwang sa arena ay nagsimula noong Huwebes kung saan iniulat na 100 katao ang dumalo. Nakasaad daw sa isang permit na isinumite sa mga opisyal ng New York City ang kaganapan bilang isang “pre-party."
- Latest
























