Maynilad, mas handa kontra El Niño
Habang bumababa ang Angat Dam
MANILA, Philippines — Pinalakas ng Maynilad Water Services, Inc. ang mga hakbang para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa West Zone sa gitna ng pagbaba ng lebel ng Angat Dam at banta ng El Niño.
Ayon kay COO Christopher Jaime T. Lichauco, mas matibay na ngayon ang sistema ng Maynilad kumpara noong 2019 dahil sa dagdag na supplemental sources, mas malaking imbakan, at mas mahusay na network management.
May standby support din ang kumpanya gaya ng mobile tankers at water tanks para sa mga maaapektuhan ng pansamantalang aberya.
Hinimok ng Maynilad ang mga customer na magtipid ng tubig, ayusin ang tagas sa bahay, at i-report ang illegal connections upang makatulong sa pagpapanatili ng suplay.
- Latest


















