Aplasca, sibak na sa serbisyo - Ombudsman

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na na-dismiss na sa serbisyo si dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Ayon kay Remulla, pinirmahan na noong June 29 ang dismissal order laban kay Aplasca pero hindi naman nabanggit ang dahilan nang pagtanggal dito sa serbisyo.
“Noong Monday, pinirmahan ko na ‘yung dismissal ni Mao Aplasca from the service, ilalabas namin ang desisyon para makita ng tao dahil mahirap na magpaliwanag,” sabi ni Remulla.
Noong May 19 ay sinuspinde ng 6 na buwan ng Ombudsman si Aplasca kaugnay nang naganap na shooting incident sa Senado kamakailan.
Si Aplasca, na mistah ni Sen. Bato dela Rosa ay unang umamin na nagpaputok siya ng warning shot nang pasukin umano ng mga elemento ng NBI ang Senado. Ang pahayag na ito ni Aplasca ay itinanggi naman ng NBI.
Si Dela Rosa ang nagpasok kay Aplasca sa Senado bilang Sgt.-at-Arms.
- Latest

















