^

Police Metro

P2.1 bilyong ayuda laan ng DSWD sa mga maaapektuhan ni Betty

Angie dela Cruz - Pang-masa
P2.1 bilyong ayuda laan ng DSWD sa mga maaapektuhan ni Betty
Ayon sa DSWD nakahanda na rin ang may mahigit isang milyong  food packs na handang ipamahagi sa mga masasalanta ng bagyo.
FREEMAN / File

MANILA, Philippines — Nasa P2.1-bilyong ha­laga ng ayuda ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga maaapektuhan ng super typhoon Betty.

Ayon sa DSWD nakahanda na rin ang may mahigit isang milyong  food packs na handang ipamahagi sa mga masasalanta ng bagyo.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang ginagawang paghahanda ay bilang tugon sa utos ni Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihanda ang mga relief items sa ibat ibang bahagi ng bansa bilang augmentation support sa mga local go­vernment units (LGUs) na maaapetkuhan ng bagyo.

Ayon kay Gatchalian, ang DSWD at kanilang  Field Offices (FOs) ay nai-prepositioned na ang food ang non-food items (FNFIs) sa mga strategic locations at warehouses sa ibat ibang rehiyon gayundin sa  DSWD National Resource Operations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

Pinasalamatan din ni Gatchalian ang Department of National Defense (DND), Pagasa at DOST sa pakikipagtulungan sa ahensiya para mapadali ang kanilang ginagawan relief operations.

Ang DSWD ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang LGUs para pagtulungan ang paglalaan ng tulong sa mga maaapektuhang mamamayan dulot ng bagyo.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with