^

Punto Mo

Window sa ‘no vax, no ride’ policy!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAY bago na namang napagkasunduan kaugnay sa makontrobersiya na ‘no vax, no ride’ policy.

Nagbigay ng 30 araw na retrieve para sa mga hindi bakunado at partially vaccinated na mga manggagawa sa Metro Manila para makasakay pa sa mga pampublikong transportasyon.

Layunin daw nito na bigyan pa nang pagkakataon ang mga hindi bakunado na magpabakuna na sa loob ng 30 araw dahil umano pagkatapos nito ay tuluyan silang hindi pasasakayin kung hindi sila bakunado.

Kung maibaba na sa Alert Level 2 ang status sa rehiyon, awtomatiko na rin umano na tapos na ang polisiya ukol dito.

Nagkasundo ang tatlong ahensya ang DOLE, DILG at DOTr na  ikonsidera nga ang vaccination coverage sa Metro Manila.

Nagsimula kahapon ang 30-day na reprieve at magtatagal hanggang sa Pebrero 25.

Umani nang samu’t saring negatibong komento ang naturang polisiya, lalo na nga’t hindi naging malinaw ang pagpapatupad nito.

Noong una nga kasi, basta’t walang maiprisintang vaccination card, hindi ka pasasakayin sa mga pampublikong transportasyon.

Ilang araw na itong ipinatupad, nang umalma ang DOLE at sabihing hindi kasama dito ang mga manggagawa.

Kaya matinding kalituhan ang ibinunga.

Eto ay napagkasunduan nga na magkaroon ng window sa pagpapatupad ng polisiya.

May 30 araw para magdesisyon ang mga ayaw magpabakuna kung kailangan na nilang magpaturok para makasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Iyan naman eh kung hindi pa matatapos ang Alert Level 3.

Nasa kanila pa rin ang pagpapasya o hintayin na lang nila na maibaba na sa Alert Level 2 ang status dahil mawawala na rin ang naturang polisiya.

Sa kabuuang, ayun pa rin nalilito pa rin ang mga mananakay.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with