^

Metro

4,500 pulis ikakalat ng QCPD sa Undas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
4,500 pulis ikakalat ng QCPD sa Undas
Ayon kay QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, kabilang sa babantayan ng mga pulis ang anim na sementeryo, 26 columbarium, mga terminal at iba pang matataong lugar.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nasa 4,500 pulis ang ikakalat ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 para matiyak ang seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, kabilang sa babantayan ng mga pulis ang anim na sementeryo, 26 columbarium, mga terminal at iba pang matataong lugar.

Bukod sa mga pulis, magpapakalat din ang QCPD ng 18 drone squadron upang subay­bayan ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Maglalagay rin ng mga assistance desk at first aid station sa mga sementeryo para sa mga bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, sinabi ni Dexter Cardenas, hepe ng QC Traffic and Transport Management Department, na nakahanda na rin ang Oplan Kaluluwa ng lokal na pamahalaan. Magtatalaga ng mga traffic enforcer sa mga lansangan malapit sa mga sementeryo at terminal, habang nakaantabay ang mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Department para sa mga emergency.

Magpapatupad din ng rerouting sa mga lansangang dinaraanan ng mga motorista patungo sa mga sementeryo at columbarium kung kinakailangan. Hinikayat naman ang publiko na tumawag sa 24/7 hotline 122 ng Quezon City government para sa agarang tulong sa oras ng emergency.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with