^

Metro

MRT-3, target maisapribado sa 2027

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Department of Transportation (DOTr) na maisapribado ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kalagitnaan ng 2027.

Ayon sa DOTr, isasa­ilalim sa bidding ngayong taon ang P103.6-bilyong concession agreement upang ma-award ito sa napiling pribadong ope­rator sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Sa ilalim ng kasunduan, ibabatay sa kalidad ng serbisyo at pagsunod sa performance standards ang bayad sa concessionaire, kabilang ang pagiging maaasahan ng mga tren, pagsunod sa iskedyul, at maayos na maintenance ng mga tren at pasilidad.

Inaasahan ding mapabilis ng concession agreement ang modernisasyon ng MRT-3. Gayunman, mananatili sa DOTr ang kapangyarihang magtakda ng pamasahe.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, pipiliin ang ope­rator na may sapat na karanasan sa pagpapatakbo ng riles. Hiwalay ding iaalok ang MRT-3 sa pribadong sektor at hindi ito isasama sa isang package kasama ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

DOTR

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with