Marcoleta may mild pneumonia - PNP

MANILA, Philippines — Nakitaan ng mild pneumonia si Senator Rodante Marcoleta bukod pa sa idinadaing nitong hypertension.
Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police- General Hospital (PNP-GH) matapos na lumabas ang resulta ng chest X-ray nito.
Sasailalim din sa rehabilitation therapy si Marcoleta dahil sa de-generative disc disease o problema sa kanyang gulugod. Delikado ang nasabing sakit sa isang tulad ni Marcoleta na 72-anyos na.
Samantala, pinagsusumite ng Sandiganbayan Third Division si Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) chief PCol. John Guiagui at ang PNP-GH ng reports hinggil sa pinakahuling medical condition, custody, at booking procedure ni Marcoleta.
Gayunman sinabi ng Sandiganbayan Third Division, si Marcoleta ay iko-commit sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Sa kasalukuyan, hindi pa “fit to travel” at posibleng hanggang ngayon ay makukumpleto ang iba pa niyang medical examinations.
Matatandaang nitong Lunes nang dumaing ng pananakit ng dibdib at mataas na blood pressure si Marcoleta matapos siyang arestuhin bunsod ng kasong plunder. Nag-ugat ang kasong sa pagsisiwalat ni Marcoleta ng P75 milyong campaign donations.
- Latest

















