^

Police Metro

Trust rating ni Marcos, bumagsak sa 28%; VP Sara, matatag sa 58% - Pulse Asia

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumagsak ang trust rating ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 28% habang matatag naman sa 58% ang trust rating ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay batay sa July 2026 survey na inilabas kahapon ng Pulse Asia Research Inc., na ang national approval at trust ratings ng pangulo ay parehong bumaba ng 7 percentage points habang ang kanyang disapproval rating naman ay tumaas ng 5 percentage point habang 7 percentage points naman ang itinaas ng kanyang distrust ratings.

Lumitaw sa survey na ang trust rating ng pangulo ay nasa 28% na lamang habang 51% ang nagsabi na wala silang tiwala sa pangulo. Nasa 21% naman ang nagsabing ‘undecided’ pa sila sa kanyang trustworthiness.

 Nanatili namang matatag ang ratings ni VP Sara matapos na makapagtala ng trust rating na 58% habang ang kanyang distrust rating ay nasa 27% habang nakapagtala rin siya ng 56% approval rating at 29% na disapproval rating.

Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at Hulyo 6, 2026, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 2,400 adult Pinoy na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.

Mayroon itong ±2 percentage-point margin of error sa 95% confidence level para sa national estimates at ±4 percentage points naman sa Metro Manila, natitira pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. 

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with