Lolo natabunan ng lupa, dedo
MANILA, Philippines — Isang 68-anyos na lolo ang nasawi makaraang matabunan ng lupa ang bahay nito sa naganap na landslide sa Brgy. Nagba, Tubungan, Iloilo, kamakalawa.
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) kinilala ang nasawing biktima na si Placido Tabaling, residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, nangyari ang landslide, alas-4:00 ng madaling araw sa Brgy. Nagba ng bayang ito, sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Inday na nagpalambot ng lupa na nagbunsod sa trahedya.
Kasalukuyang natutulog ang pamilya ni Tabaling nang mangyari ang landslide sa pagguho ng bundok na tumabon sa tahanan ng mga biktima.
Nakaligtas naman sa insidente ang iba pang miyembro ng pamilya ng matanda.
- Latest















