^

PM Sports

Alapag hinugot si Nelle via trade

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang unang atas ni Jimmy Alapag bilang pinakabagong NLEX Road Warriors head coach matapos aprubahan ang trade upang masikwat ang serbisyo ni Evan Nelle mula sa Phoenix.

Solo trade ang 2 koponan na magtutulak naman kay Sydney Onwubere sa Fuel Masters kapalit ni Nelle, na isa sa asintang manlalaro ni Alapag na itinalaga bilang bagong mentor ng Road Warriors noong nakaraang linggo kapalit ng batikang si coach Jong Uichico.

Matatandaang si Alapag mismo ang nagsanay kay Nelle sa Amerika noong bahagi pa siya ng coaching staff ng Sacramento Kings sa NBA bilang paghahanda sa pagpasok niya sa PBA Season 49 Rookie Draft noong 2004.

Produkto ng La Salle sa UAAP, nasikwat ang 28-anyos na si Nelle ng NorthPort (Titan Ultra ngayon) bilang 14th overall pick sa naturang draft class subalit isang taon lang naglaro sa koponan.

Na-trade ang 5-foot-11 guard sa Phoenix noong nakaraang taon sa three-team trade kasama ang Converge bago mapunta sa kanyang ikatlong koponan.

Kilala si Nelle bilang isa sa pinakamagaling na point guards ng UAAP bago tumapak sa PBA. Isa rin siya sa ilang piling manlalaro na nakapag-kampeon sa parehong UAAP para sa La Salle at sa NCAA para sa San Beda.

Sa gabay ni Alapag na isa sa 50 PBA Greatest Players at Gilas Pilipinas legends, inaasaahan ang magandang tambalan nila nina ace guards Robert Bolick at L-Jay Gonzales.

Sa panig naman ng 32-anyos na si Onwubere na mula sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA, ang Phoenix na ang kanyang magiging ikalimang koponan matapos mapili bilang No. 8 pick noong 2017 draft.

Sumalang din sya sa Rain or Shine at Ginebra, kung saan siya nanalo ng 2 kampeonato, pati na sa NorthPort at NLEX bago sa Phoenix ngayon sa gabay ni head coach Charles Tiu.

JIMMY ALAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with