^

Metro

59 ‘pasaway’ nalambat sa loob ng 24 oras

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 59 indibidwal na may mga paglabag sa iba’t ibang krimen ang nalambat ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa pina­igting na operasyon mula ­Hunyo 26 hanggang ­Hunyo 27, 2026.

Sa ilegal na droga, 15 indibidwal ang ­naaresto, at nakumpiska ang humigit-kumulang 34.37 gramo ng shabu na may tinatayang ­Standard Drug Price (SDP) na P233,716.00.

Sa mga wanted person, 14 ang nahuli na kinabibilangan ng ng isang  Top Most Wanted Person, dalawang Most Wanted Person, at 11 Other Wanted Person.

Samantala, sa ilegal na sugal, 17 indibidwal ang dinakip sa pitong isinagawang operasyon.

Dalawa naman ang naaresto sa pagdadala ng loose firearms at nakum­piska ang dalawang baril.

Hindi rin pinalampas ang mga lumabag sa lokal na ordinansa, kung saan nakakolekta ng P440,650.00 na multa. Ang mga pagsisikap na ito sa pagpapatupad ay nagtataguyod ng disiplina, nagpapalakas ng pagsunod sa mga lokal na regulasyon, at nakatutulong sa mas ligtas at mas maayos na mga komunidad.

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with