Cignal Play, star-studded ang mga Microdrama

Opisyal na binago ng Cignal Play ang pagkukuwento sa Pinoy sa paglulunsad ng pinakabagong digital innovation nito, ang Cignal Play Microdrama, na nag-aalok ng emotionally charged, wala pang limang minutong vertical drama na idinisenyo para sa mabilis, mobile-first sa kasalukuyang sistema ng panonood.
Higit pa sa isang format, misyon ng Cignal Play Microdrama na mas gawing madali ang panonood dito ng mga hindi malilimutang kwentong makaka-touch sa bawat manonood.
“Whether you’re on a quick break or a late-night binge, there’s a microdrama for you.
“We believe that storytelling has the power to connect, inspire and transform. With Cignal Play Microdrama, we’re bringing a new dimension to Filipino content that is short, impactful, relatable,” pahayag ni MediaQuest & Cignal President & CEO Jane J. Basas sa ginanap na media conference kung saan dumalo si MQuest Boss Manny V. Pangilinan (MVP), sa Cignal Launchpad Lobby ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.
Kasalukuyang nagsi-stream na sa Cignal Play app ang apat na micro-series na dapat panoorin, bawat isa ay ginawa upang tumugma sa iba’t ibang kagustuhan ng mga manonood:
I See You –Isang nakakagigil na thriller na pinagbibidahan ni Dimples Romana bilang isang makapangyarihang businesswoman na ang tila perpektong buhay ay masisira kapag siya ay nabulag ngunit malinaw na nakikita ang pagtataksil ng mga taong pinakamalapit sa kanya.
Kasama rin sa microdrama na ito sina Joem Bascon, Cedrick Juan, Pearl Gonzales, Glenda Garcia, at Zion Cruz.
My Father’s Last Wish – Isang nakakaiyak na drama ng pamilya na nagtatampok kay Dylan Menor bilang isang anak na tumutupad sa kahilingan ng kanyang ama na namatay.
Isang nakakaantig na kuwento ng pagpapatawad at muling pagkakaugnay na nagtatampok din kina Johnny Revilla, Gerald Madrid, Alex Medina, at Dawn Chang.
3 Queens and a Baby – Isang laugh-out-loud comedy series na pinagbibidahan ni Christian Bables bilang bahagi ng isang kamangha-manghang drag trio na nagna-navigate sa pag-ibig, kaguluhan, at isang hindi inaasahang sanggol.
Kasama ni Christian sa nakakatawang mini-serye na ito sina TJ Valderrama, Iyah Mina, Daniela Stranner, Donna Cariaga, Christian Vasquez, at Iven Lim.
Baker’s Heart –Isang romantic story fresh from the oven. Makikita sa isang panaderia ng kapitbahayan, ang seryeng ito ay naghahain ng tamis at pangalawang pagkakataon.
Samantala, may isa pang paparating bago ang higit pang microdrama series na nakatakdang i-stream sa susunod na ilang buwan:
A Cure Called Love – A kilig-filled romance that asks: Can love really heal all wounds? Kasama rin sa microdrama na ito sina Dylan Menor, Micah Santos, Gelli De Belen, Pinky Amador, at Jeff Tam.
Nag-stream din ang Cignal Play Microdrama ng mga vertical drama mula sa partner nito, ang Dashflix, isang mobile-first short-form video producer na kilala sa pagtutok nito sa bite-sized, mataas na kalidad ng content na idinisenyo para sa mga manonood na palaging on the go.
“Ipinagmamalaki naming ihandog ang makabagong format na ito na naghahatid ng mga tunay na kwento that resonate with our Filipino audiences,” dagdag ni Cignal Chief Revenue Officer Gerard Milan.
Sabi pa niya: “We’re starting with I See You, My Father’s Last Wish, 3 Queens and a Baby, Baker’s Heart, and coming this July, A Cure Called Love. We have more Originals in the pipeline in the months ahead. Our goal is to make premium storytelling accessible anytime, anywhere. One minute you’re laughing, the next you’re crying – that’s the Cignal Play Microdrama magic.”
Anyway, isa sa naka-chika namin sa ginanap na media launching ang upcoming actor na Dylan Menor.
Bukod sa dalawang nabanggit na microdrama kabilang din sa mga proyekto niyang nakalinya ang Seducing Drake Palma. “Tapos ito ‘yung dalawang microdrama — My Father’s Last Wish, tsaka A Cure Called Love.”
Napi-feel niya ba na ang bilis ng career niya?
“Medyo. Yeah. Actually, binanggit ko ito kanina.
“Sabi ko, overwhelming siya kasi may mga binibigay na opportunity sa akin, may times lang na... alam mo ‘yun parang as an artist, hindi naman maiiwasan na nagda-doubt ka sa sarili mo. But, yeah, as long as you have trust sa sarili mo, you have the courage to work hard for your craft and show people the role you have to portray, ‘yun ‘yung importante,” sabi ni Dylan.
Pero may gusto raw talaga siyang gawin bilang isang actor.
“Well, ang goal ko before, up until now, siguro magkaroon ng action project. Any action series or movie tapos siguro mag-lead ng isang rom-com din na movie. I mean, that’s the goal. Ever since ‘yun ‘yung gusto kong mangyari,” pag-amin niya.
Naka-isang taon din siya sa GMA 7 kung saan napanood siya sa palabas na MAKA.
Pero naniniwala ba siyang papatayin ng microdrama ang TV series?
“Well, I believe na every generation, for sure, may changes. So, we have to... Sa industry ng entertainment, I’m sure, madaming changes. Nag-a-adapt na ‘yung iba. Nag-evolve na. So sadly, sad reality siguro na, hindi naman pinapatay pero ano pa rin naman ‘yung TV. But, like kinukuha lang ng industry ‘yung market na nagpo-phone. Kaya may vertical drama, microdrama. Kasi para rin makuha ‘yung market ng mas short ‘yung attention span.
“Tulad ko, very short ‘yung attention span ko. So, I think this is also a good platform for people to watch if they want ‘yung mga short form,” paliwanag ng actor.
Pero kung may chance siyang mamili ng ka-partner, meron ba siyang particular na gustong makatambal?
“Ako, ‘di naman po ako choosy eh. As long as mag-click kami, may chemistry kami. Any artist naman sa TV5 or sa Viva.”
Anyway, the first five episodes of every title are free to stream, with full access to the rest of the episodes available for only ?20 per day.
Maaaring i-download ang Cignal Play app now on the App Store or Play Store and discover the stories already capturing the hearts of Filipino viewers. Big Emotions. Big stories.
- Latest





















