Sunog sa Caloocan: 5 katao patay

MANILA, Philippines — Patay ang limang katao kabilang ang isang 11-buwan na sanggol matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang apartment sa Sinilyasi St. Brgy. 8, Dagat-Dagatan, Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Hindi na nakalabas ang mga biktima na mga sandaling iyon ay mahimbing na natutulog.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog bandang alas-1:00 ng madaling araw sa isang two-storey apartment sa nasabing lugar na ang apoy ay nagsimula sa talyer ng apartment na mabilis na kumalat.
Nakadagdag din aniya ang pagliyab ng sunog sa mga nagpuputukang kawad ng kuryente.
Idineklara ng BFP na fireout bandang alas- 2:04 ng madaling araw at inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog.
Humihingi ng tulong ang mga residenteng naapektuhan na kung saan ay tinatayang aabot sa P500,000 ang napinsalang mga ari-arian.
- Latest



















