^

Bansa

Senado Ibabalik BIR box sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senado Ibabalik BIR box sa Kamara
Senate of the Philippines.
Graphics by Philstar.com / Enrico Alonzo

MANILA, Philippines — Ibabalik ng Senado sa House Prosecution panel ang green box mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ito ang napagkasunduan ng mga Senador sa ginanap na caucus noong Biyernes.

Ang nasabing green box ay isinumite ng House prosecution panel sa Senado dahil maaring ang laman nito ay mahalaga sa kaso ng Bise Presidente.

Subalit ayon kay Lacson, hindi trabaho ng impeachment court ang magtago o magbukas ng sealed records.

Maging si Sen. Chiz Escudero aniya ay nagsabi na wala silang business para magtago o mag-gatekeeping ng ebidensya dahil ang ebidensya ay ipiprisinta ng prosekusyon o ng depensa.

Ayon kay Lacson, kaya napagkasunduan nilang mga senador na ibalik ang box sa Kamara dahil ang pagtatago nito ay paglabag sa Section 71 ng National Internal Revenue Code at ang Presidente lang ang maaring magbigay ng authority mula sa rekomendasyon ng BIR at Department of Finance at hindi ang impeachment court o korte ang magbubukas nito.

Suhestyon naman ng Senador na maaaring kumuha na kaukulang authorization ang pro­secutors mula sa Malakanyang kung gusto nitong buksan ang box.

Kinuwestyon din ni Lacson ang House pro­secutors kung bakit dinala ang nasabing box sa Senado.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with