^

Bansa

BIR box baka matulad sa ‘2nd envelope’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si House impeachment prosecutor at Manila Rep. Joel Chua nitong Sabado na kung hindi bubuksan ang selyadong Bureau of Internal Revenue (BIR) box sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, baka maulit ang kontrobersyal na eksena ng “2nd envelope” sa impeachment laban kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada noong 2001.

Sa isang forum sa Quezon City, iginiit ni Chua na dapat ipabukas ng Senate impeachment court ang kahon ng BIR. Aniya, noong panahon ni Erap, hindi pinayagang buksan ang “2nd envelope” na umano’y naglalaman ng bank records ng isang Jose Velarde na magpapatunay sa tagong yaman ng dating pangulo. Ang desisyong iyon ang nag-udyok sa walkout ng prosecution panel, nagpasiklab ng protesta, at humantong sa EDSA Dos na nagpatalsik kay Estrada.

Ang kahon ngayon ay naglalaman ng income tax returns at iba pang tax records ni VP Sara at ng kanyang asawa na si Atty. Manases “Mans” Carpio. Una na itong ipinasub­poena ng Justice Committee na pinamumunuan ni Batangas Rep. Jinky Luistro, lead prosecutor sa impeachment.

Binigyang-diin ni Chua na mahalaga ang mga dokumentong ito sa alegasyon ng “hindi maipaliwanag na yaman” ni VP Sara na nakasaad sa Articles of Impeachment.

Ayon kay Chua, may kapangyarihan ang Se­nate impeachment court na ipag-utos ang pagbubukas sa BIR box na kahalintulad sa korte para obligahin na ilantad ang tax records sa paglilitis.

“Kung wala naman pong tinatago, ano naman po ang dahilan para ito po ay ipagkubli sa taong bayan? Dahil ang issue po kasi rito sa impeachment ay pananagutan, accountability po,” saad pa ni Chua.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with