^

Pang Movies

Inigo, napilay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Inigo, napilay!
Inigo

Diretso sa hospital si Inigo Pascual matapos magtamo ng pinsala sa tuhod nang hindi sinasadyang namali siya ng talon sa stage habang nasa isang mall show.

Makikita sa video ang nasabing aksidente niya sa pagtalon na nauna ang isang paa at naapektuhan ang tuhod.

Pero kahit nakaramdam ito ng sakit ay itinuloy niya ang pagkanta pero binantayan na siya ng security kaya naman napuri siya sa kanyang ginawa.

Nagsimula na si Inigo sa pagganap bilang doctor sa local adaptation ng Korean drama na The Good Doctor sa mapapanood sa TV5.

Kaya nga gino-good time siya na sanay naman siya sa hospital.

Bahagi ng promo sa kanyang bagong single na Ikaw at Ikaw ang nasabing mall tour.

Mayroon naman kaagad nang-intriga kay Sofia Andres na pinagtawanan daw dahil sa laughing emoji nito sa isang video ng fan na na-capture ang buong pangyayari kay Inigo na nagsasabing nasaktan talaga siya sa maling talon mula sa stage papunta sana sa audience. Ex ni Inigo si Sofia Andres.

INIGO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with